Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Bulacan, naghanda para sa Buwan ng Kooperatiba

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba ngayong Oktubre, naghanda ang pamahalaan panlalawigan ng Bulacan ng iba’t ibang mga aktibidad na may temang “Koopinas: Nagkakaisang Lakas Para Sa Makabuluhan At Sama-Samang Pag Unlad”.

Kabilang ang pagsasagawa ng Cooperative Federations and Unions’ Day ngayong Biyernes sa Capitol Gymnasium at Cooperative and Enterprise Trade Fair sa Oktubre 12 hanggang 16 2022.

Gaganapin din ang 9th Central Luzon Regional Kooplymics: Jungle Edition sa Oktubre 20, Cooperative Manager’s Day “Raising the Bar Towards Excellence” sa Oktubre 21; at 2022 Gawad Galing Kooperatiba Awarding Ceremony sa Oktubre 28.

Ang pagdiriwang ay tuloy-tuloy hanggang Nobyembre sa dalawang linggong selebrasyon ng 2nd Bulacan Transport Service Cooperative Congress at 2nd Central Luzon Regional Tripartite Conference for Cooperative Development “Enhancing Policy, Regulatory Environment and Partnership” sa Nobyembre 23-25.

Hinihikayat ni Gobernador Daniel Fernando ang mga malalaking organisasyon na bumuo ng sarili nilang mga kooperatiba at isinulong ang mga online platform sa pagsisimula ng maliliit na negosyo. Anya nakapaloob ito sa kanyang People’s Agenda 10 dahil sa pamamagitan ng kooperatiba matutulungan ang mga Bulakenyo sa pagsisimula ng maliit na negosyo gamit ang maliit na puhunan.

Samantala, nauna ng isinagawa ang panunumpa ng mga opisyales ng Provincial Cooperative Development Council na pinangunahan ni Fernando. (PIA 3)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *