Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Salamat, Ginoong Pangulo!

𝗔𝘁𝗰𝗵𝘂 𝗞𝗲𝗻𝗶 𝗣𝗮𝗿𝗮 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝘂 𝗯𝘆 𝗕𝗠 𝗠𝘆𝗹𝘆𝗻 𝗣𝗶𝗻𝗲𝗱𝗮-𝗖𝗮𝘆𝗮𝗯𝘆𝗮𝗯

Sa katatapos na State of the Nation Address o SONA ni PBBM binanggit ng Presidente ang pagsisimula ng konstruksiyon ng mga “ specialty medical center “ sa labas ng Metro Manila. 

Ang mga hospital tulad ng Heart, Kidney at Lung Center ay malapit ng matagpuan sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Nakaka-galak ang desisyon ng administrasyong Marcos na dito sa Pampanga sinimulan ang konstruksiyon ng kauna-unahang “multi- specialty medical center” hindi lamang para sa residente ng lalawigan kundi sa mga kalapit sa Northern and Central Luzon.

Isang linggo bago ang SONA, ang Presidente ay nagpunta dito sa lalawigan at ininspeksiyon ang lugar ng pagtatayuan ng medical center.

Ayon sa Pangulo ang pagtatag ng Clark Multi-Specialty Medical Center (CMSMC) sa Pampanga ay hudyat ng pagsasakatuparan sa kanyang pangako na magkaroon ang lahat ng Filipino ng “quality health care services.”

Sa oras na maging operational, ang CMSMC, ang mga Kapangpangan at mga taga Central Luzon, ganon na rin ang mga taga Cagayan Valley ay maaring magpagamot.

Sabi nga ng Pangulo ang CMSMC  ay isang world class medical facility na mayroong “state of the art “ na kagamitan.

Ang CMSMC, dagdag pa ng Presidente ay may mga doctor na ang specialization ay sa cardiovascukar, oncology, renal at pediatircs.

Dito sa Pampanga magsisimula ang pagsasakatuparan ng universal health care services ng administrasyong Marcos.

Bilang isang Cabalen natutuwa ako na ang Pampanga ang napili ng Presidente tungo sa kanyang pangarap na Bagong Pilipinas sa usapin ng serbisyong pangkalusugan.

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *