Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

DOST mamimigay ng Mobile Water Treatment Plant sa Bulacan

 Magkakaloob ng Mobile Water Treatment Plant (MWTP) ang Department of Science and Technology (DOST) sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Nagkakahalaga ito ng P3 milyon sa ilalim ng Programang Community Empowerment thru Science and Technology (CEST).

𝐼𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑎𝑝𝑎𝑟𝑎𝑡𝑜 𝑛𝑔 𝑀𝑜𝑏𝑖𝑙𝑒 𝑊𝑎𝑡𝑒𝑟 𝑇𝑟𝑒𝑎𝑡𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑃𝑙𝑎𝑛𝑡 𝑛𝑎 𝑖𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑙𝑜𝑜𝑏 𝑛𝑔 𝐷𝑒𝑝𝑎𝑟𝑡𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑜𝑓 𝑆𝑐𝑖𝑒𝑛𝑐𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝑇𝑒𝑐ℎ𝑛𝑜𝑙𝑜𝑔𝑦 𝑠𝑎 𝑃𝑟𝑜𝑣𝑖𝑛𝑐𝑖𝑎𝑙 𝐷𝑖𝑠𝑎𝑠𝑡𝑒𝑟 𝑅𝑖𝑠𝑘 𝑅𝑒𝑑𝑢𝑐𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑀𝑎𝑛𝑎𝑔𝑒𝑚𝑒𝑛𝑡 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒 𝑛𝑔 𝐵𝑢𝑙𝑎𝑐𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑖𝑡𝑖𝑛𝑎𝑚𝑝𝑜𝑘 𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑛𝑎𝑝 𝑛𝑎 𝑆𝑐𝑖𝑒𝑛𝑐𝑒 𝐶𝑒𝑛𝑡𝑟𝑢𝑚 & 𝑃𝑟𝑜𝑑𝑢𝑐𝑡 𝐵𝑎𝑧𝑎𝑎𝑟 𝑘𝑎𝑢𝑔𝑛𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑅𝑒𝑔𝑖𝑜𝑛𝑎𝑙 𝑆𝑐𝑖𝑒𝑛𝑐𝑒, 𝑇𝑒𝑐ℎ𝑛𝑜𝑙𝑜𝑔𝑦 𝑎𝑛𝑑 𝐼𝑛𝑛𝑜𝑣𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑊𝑒𝑒𝑘 𝑠𝑎 𝐵𝑜𝑡𝑜𝑙𝑎𝑛, 𝑍𝑎𝑚𝑏𝑎𝑙𝑒𝑠. (𝑆ℎ𝑎𝑛𝑒 𝐹. 𝑉𝑒𝑙𝑎𝑠𝑐𝑜/𝑃𝐼𝐴 3)

Ayon kay DOST Provincial Director Angelita Parungao, kayang iproseso ng MWTP ang tubig mula sa baha, sa ilalim ng lupa at ulan upang maging malinis na inumin.

Nasa 500 litro ng tubig kada oras ang kayang malinis at maipainom nito.

Nakapatong ang water treatment plant sa isang fabricated na four-wheeler trailer na idinisenyo upang mahatak ng isang four-wheel light vehicle.

Detalyadong ipinakita ng DOST ang mga features at components nito sa pamamagitan ng pagtatampok sa MWTP sa ginanap na Science Centrum and Product Bazaar kaugnay ng Regional Science, Technology and Innovation Week sa Botolan, Zambales. 

Pangunahin sa mga components nito ang media filtration system, water softening system, ultrafiltration system, reverse osmosis system, at post disinfection and filtration system.

Sa media filtration system, inaalis lahat ng matitigas na bagay na nakahalo sa tubig gaya ng mga bato, bakal, chlorine at iba pang organic materials.

Tinatanggal naman ng water softening system ang mga hardness-causing calcium at magnesium materials mula sa tubig sa pamamagitan ng pagproseso sa ion exchange. Magpapalambot ito sa kalidad ng tubig kapag ininom.

Sa ultrafiltration, mayroong inilalabas na pressure sa tubig upang mawasak ang nahalong semi permeable membrane ng isang maduming tubig.

Gagawin namang dalisay o purified ang kalidad ng tubig sa reverse osmosis system habang sa post disinfection and filtration system ay sabay na pinipigil ang pagpasok ng dumi sa nilinis na tubig at maialis ang anumang bagay na hindi dapat mahalo rito.

Ang MWTP ay may sariling suplay ng kuryente mula sa generator set sakaling maidestino sa mga lugar na putol ang linya ng kuryente dahil sa pagtama ng kalamidad. 

Maaari rin itong ikabit sa local power provider o power distribution utility sakaling may kuryente sa lugar. 

Para naman kay PDRRMO Head Manuel Lukban, malaking bagay ang pagkakaroon nitong MWTP na isa sa malalaking suporta ng pamahalaang nasyonal sa pamamagitan ng DOST.

Makakatulong ito sa pagtitiyak na may malinis na maiinom na tubig ang mga naapektuhan ng kalamidad gaya ng bagyo, baha at maging tagtuyot.

Karaniwang napuputol ang suplay sa linya ng tubig kapag may malawakang pagbabaha at kapag mababa ang lebel ng tubig sa mga dams dahil sa tagtuyot. 

Nagrarasyon ng tubig ang mga pribadong water concessionaires sa mga apektadong resindete ngunit limitado lamang.

Nauna nang ipinagkalooban ng MWTP sa ilalim ng CEST ang mga pamahalaang panlalawigan ng Aurora at Tarlac. (PIA 3)

PHOTO CAPTION:

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *