Pampaswerte sa 2022
By Erlin M. Due
Ngayong papasok na ang 2022, naglabas ang feng shui expert na si Hanz Cua sa kanyang Facebook account ng listahan ng ilan sa mga maaaring gawin, isuot, at tandaan sa New Year.
Likas sa Pilipino ang naniniwala sa mga pamahiin at feng shui sa pag-asang magiging masuwerte at maayos ang susunod na taon.
Ayon kay Cua, eto ang mga tips at dapat gawin upang swertehin sa pagsalubong sa 2022 Water Tiger.
Wear yellow gold. Fire and metal element, missing siya sa year chart. Mag-suot ng Pula na damit mula December 31 hanggang January 1 to attract wealth and money luck. Yellow gold naman ang color theme sa office at bahay. Mag-suot ng polka dots at bagong underwear.
Buksan lahat ng ilaw sa bahay. Fire element is bright light. Gawing maliwanag ang buong bahay para ma-attract ang prosperity at money luck.
Mag-general cleaning, declutter bago pumasok ang 2022. Itapon na ang sira, luma at kalat para pumasok ang good fortune energy.
Sa handa sa New Year, maghanda ng 12 kinds of fruits. Ang 12 kinds signify 12 months na masagana ang buong taon. Maghanda ng matatamis na prutas at kendi. Maghanda ng pancit, noodles, spaghetti , pork, fish, at chicken.
Sa bahay ay mag-display ng tiger. Ilagay ito sa gitna ng bahay or sa sala para maging maswerte ang 2022.
Palitan ang kurtina. Bagong taon, bagong kurtina. Fire colors – Red, Yellow, Orange or Pink. Sa mga kwarto ay palitan ang punda at bed cover. Para sa mga single, use Pink color; Red if married na. Kasama na rin ang pagpalit ng mga sirang bulb ng ilaw.
Ayusin ang mga tagas ng gripo at ang main door.
Sa kusina naman linisin ang stove; punuin ang LPG at water dispenser; at puno din dapat ang lalagyan ng asin, bigas at asukal.
Sa loob ng bahay ay magpa-gulong ng kiat-kiat papasok ng bahay at magsaboy ng barya. At gawing maging maingay at masaya ang buong bahay.
Magsindi ng 9 na incense; mag-cleansing ng buong tahanan; at magsabit ng tiger na lucky charm sa pinto.
Sa pamilya naman, hinihikayat din ni Cua na bigyan ng angpao ang mga apo, anak at ang mga bata. Makipag-ayos na sa nakatampuhan at kailangan masaya ang buong pamilya.
Higit na suswertehin ang magbabayad ng utang bago matapos ang 2021.
Punuin ng pera ang wallet. Maglagay ng barya sa bulsa. Maglagay ng 8 barya (coins) sa northwest to activate money luck at mag-display ng bulaklak sa southeast to activate Love luck.
Sa Negosyo, lagyan ng maraming pera ang cashbox.
Mag-share ng blessing sa ibang tao at mag-post ng good vibes sa social media.
Giit ni Cua na kalimutan mo na si ex, at mag-move on ka na!
Isulat ang goal plan sa 2022, idikit sa pinto at magtext sa lahat at batiin sila ng Happy Healthy New Year.
Kasama rin sa mahabang listahan ng feng shui expert ang pagdarasal sa mga biyayang natanggap sa 2021 at magkakasamang manalangin ang buong pamilya sa pagsalubong sa bagong taon.
Sa kanyang mga payo, paalala parati ni Cua na ang feng shui ay nagsisilbing gabay lamang sa araw-araw na pamumuhay.
Aniya, nasa kamay pa rin ng isang tao ang kanyang tagumpay.
***All photos by the author