Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

PBBM: Pamahalaan umpisa pa lamang sa pagbawi ng ninakaw na pondo ng taumbayan

Hindi titigil ang pamahalaan sa pagbawi ng perang ninakaw mula sa mga anomalya sa mga proyektong pang-imprastruktura, ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon. Aniya, umpisa pa lamang ito sa mas malawak na operasyon upang masiguro na maibabalik sa pondo ng bayan ang nakaw na yaman.

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agarang ibalik ang perang ninakaw mula sa flood control projects at panagutin ang mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), contractors, at iba pang indibidwal na sangkot sa iregularidad.

“Unang-una, alam niyo naman na ang kabilin-bilinan ng Pangulo natin, hindi lang dapat makulong ‘yung mga kailangang managot dito sa pagnanakaw ng pera nating lahat. Pero kailangan ding maibalik ‘yung pera ng mga kababayan natin. And this is the beginning. Ito na ‘yung umpisa,” ani Secretary Dizon matapos inspeksyunin ang pito sa 30 sasakyan na nakumpiska mula sa mag-asawang contractors na sina Curlee at Sara Discaya.

Ayon kay Dizon, maaaring umabot sa mahigit P100 milyon ang kikitain ng pamahalaan mula sa ipapasubastang mga sasakyan ng mga Discaya. Kasunod nito, malapit nang maglabas ng arrest warrants laban sa mga sangkot sa anomalya, at marami pang nakaw na ari-arian ang hahabulin upang maibalik sa kaban ng bayan.

“Napaka-importanteng simbolo at umpisa ng sinabi ng Pangulo natin na hindi natin pwedeng palampasin ito na hindi maibabalik ang pera ng mga kababayan natin,” dagdag pa ng kalihim.

Ang pahayag ay malinaw na nagpapakita ng determinasyon ng pamahalaan na ipatupad ang katarungan at panagutin ang mga sangkot sa pandarambong sa pondo ng taumbayan.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *