Sa pagsalubong sa bagong taon, muling nagtipon ang mga Tarlaqueño sa Diwa ng Tarlac para sa kauna-unahang flag raising ceremony ng 2026, bilang isang nagkakaisa at matatag na lalawigan.
Ang seremonya ay nagsilbing simbolo ng pagmamahal sa bayan at paalala ng pananagutang kaakibat ng tapat at malasakit na paglilingkod sa bawat mamamayan ng Tarlac.






Para sa taong 2026, inilatag ang malinaw na mga prayoridad ng pamahalaang panlalawigan: kalusugan muna upang matiyak ang kapakanan ng bawat pamilya; pagkain muna upang walang Tarlaqueñong magugutom; kalikasan muna para sa pangangalaga ng likas-yaman ng susunod na henerasyon; edukasyon muna upang hubugin ang handa at may kakayahang mamamayan; at trabaho muna upang mapalakas ang kabuhayan at ekonomiya ng lalawigan.



Sa diwa ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos, patuloy na itinataguyod ang isang Tarlac na maunlad, makatao, at may matibay na pundasyon para sa kinabukasan.












