Mas malaki na ang agricultural insurance coverage ng mga magsasaka at mangingisda ngayong 2026 dahil sa pinalakas na budget ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa ilalim ng 2026 General Appropriations Act (GAA).




Ayon kay Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr., umabot sa ₱6.5 bilyon ang inilaan na pondo para sa programa, 45% na mas mataas kumpara sa nakaraang taon. Dahil dito, tumaas na sa ₱25,000 ang maximum insurance coverage para sa palay at mais.
Tinatayang 2.93 milyong magsasaka at mangingisda ang makikinabang sa libreng insurance program ngayong taon, na layong protektahan sila laban sa panganib ng kalamidad at iba pang sakuna sa agrikultura.












