Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

4-DAY WORKWEEK, ENERGY-SAVING MEASURES SA KAPITOLYO

Ipatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang four-day workweek at iba pang hakbang sa pagtitipid ng enerhiya sa Kapitolyo simula Marso 16, Lunes, alinsunod sa Executive Order No. 03, Series of 2026 na nilagdaan ni Pampanga Governor Lilia ‘Nanay’ Pineda.

Ayon kay Pampanga Vice Governor Dennis ‘Delta’ Pineda, ang naturang kautusan ay alinsunod din sa direktiba ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo dulot ng tensyon sa Middle East.

Sa ilalim ng kautusan, mananatiling tuloy-tuloy ang operasyon at serbisyo ng mga tanggapan na may kinalaman sa medical services, social welfare, maintenance at security, construction at monitoring, at transport personnel upang matiyak na hindi maaantala ang mahahalagang serbisyo sa publiko.

Sa parehong executive order, hinikayat din ni Governor Pineda ang lahat ng local government units, mga pampubliko at pribadong paaralan, at mga negosyo sa Pampanga na magpatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya at flexible work arrangements.

Nanawagan din ang pamahalaang panlalawigan sa publiko na makiisa sa pagtitipid ng enerhiya, hindi lamang sa mga tanggapan kundi maging sa kani-kanilang mga tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *