Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Libreng Konsultasyon sa Operasyon para sa mga Angeleño

Nag-aalok ang Angeles University Foundation Medical Center (AUFMC), sa pamamagitan ng Department of Surgery, ng libreng konsultasyon para sa mga Angeleñong nangangailangan ng dekalidad at abot-kayang operasyon.

Ang serbisyo ay para sa mga pasyenteng may sumusunod na kondisyon:

  • Bukol o pigsa sa balat
  • Bukol sa leeg (thyroid)
  • Bukol sa suso
  • Bukol sa bituka
  • Bato sa apdo
  • Luslos (hernia)
  • Almuranas (hemorrhoids)
  • Pigsa sa puwit

Mayroon ding laparoscopic o minimally invasive surgery para sa mga kwalipikadong pasyente, na nagbibigay ng mas mabilis na paggaling at mas kaunting hiwa.

Isinasagawa ang konsultasyon sa Surgery OPD, Ground Floor ng AUF Medical Center tuwing:

  • Lunes, Martes, Huwebes: 8:00 AM – 3:00 PM
  • Miyerkules, Biyernes: 8:00 AM – 12:00 NN

Para sa mas madaling proseso ng aplikasyon, maaaring gamitin ang QR code para sa Social Service assistance.

AngelesCity

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *