Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Produksyon ng gatas ng kalabaw sa bansa, kayang pataasin

Produksyon ng gatas ng kalabaw sa basa, kayang pataasin

LUNGSOD AGHAM NG MUÑOZ (PIA) — Tiwala si Agriculture Secretary William Dar na kayang mapataas ang produksiyon ng gatas ng kalabaw sa bansa.
 
Ito ang kaniyang mensahe at naging hamon sa Philippine Carabao Center o PCC nang dumalo bilang panauhing pandangal sa naging selebrasyon ng ika-29 na taong pagkakatatag ng ahensya.
 
Kinikilala ng kalihim ang kakayahan ng mga namumuno at kawani ng PCC na mapaunlad ang produksiyon sa dairy at livestock industry, bilang isa sa mga top performing agency sa ilalim ng Department of Agriculture. 
 
Pahayag ni Dar, kung ikukumpara sa 20 to 30 liter daily production ng gatas sa United States at United Kingdom ay malayo ang walong litrong produksyon ng Pilipinas sa kasalukuyan. 
 
Aniya, hindi kailangang dumepende lamang sa gobyerno, na kung saan nakikitang susi sa mataas na produksiyon ang paghihikayat ng mga mamumuhunan mula sa pribadong sektor at pagkakaroon ng mga state of the art facilities sa bansa. 
 
Sa kabila man ng hamon ng pandemiya, African Swine Fever, pagtaas sa presyo ng petroleum, fertilizer at iba pang inputs sa pagsasaka ay hangad pa ding maabot ang food security sa bansa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng angking kaalaman at teklohiya.
 
Akma sa tema ng ika-29 na anibersaryo ng PCC na “Achieving Milestone through Grit and Resiliency” ay ipinakikita ang determinasyon ng ahensiya na mapaunlad ang industriya ng pagkakalabawan sa kabila ng pagharap sa iba’t ibang hamong dala ng panahon.  
 
Panawagan ng kalihim ay ang pagkakaisa ng lahat mula sa mga mamamayan, pribadong sektor na maging katuwang ng gobyerno sa pag-abot sa food security tungo sa food sovereignty ng bansa. (CLJD/CCN-PIA 3)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *