Dating nagtrabaho sa Dubai si Arlene Gener subalit nagpasya syang umuwi ng Pilipinas upang alagaan ang kanyang mga anak. Mula sa pagiging Overseas Filipino, nagpundar sya ng bigasan pero dahil sa pandemya, naapektuhan ang kanyang maliit na negosyo.
Sa tulong ng BDO Network Bank Kabuhayan Loan, nagkaroon si Gener ng dagdag pondo para ituloy ang negosyo.
“Salamat sa BDO Network Bank, puno ng stocks ang aking store at nakabili ako ng maraming sako ng bigas,” aniya. Isa itong patunay na ang BDO Network Bank (BDONB), ang community bank ng BDO Unibank, ay sumusuporta sa pangarap na pag-asenso ng maliliit na negosyo sa buong bansa.
“Kami sa BDO Network Bank ay committed sa pagtulong sa mga MSMEs dahil importante ang kanilang pag-unlad hindi lamang para sa kanilang negosyo, kung hindi para sa pagbibigay ng trabaho sa nakakarami sa komunidad,” ayon kay BDO Network Bank senior vice president at MSME Group Head Karen Cua.
Maraming mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) ang hirap pa rin dahil sa epekto ng COVID-19. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang MSMEs ay 99.5% ng mga negosyo sa buong bansa, kung saan 62.4% ng mga trabaho ang nanggaling sa kanila. Kaya importante na tuloy-tuloy ang kanilang pag-unlad.
Access sa karagdagang kapital
Layunin ng BDONB na magbigay ng suporta sa mga MSMEs at mga kamag-anak ng Overseas Filipinos (OF) na nagtayo na ng mga negosyo rito. Binuo ang MSME loan o Kabuhayan Loan para sa mga small business owner na nangangailangan ng ekstrang kapital para madagdagan ang kanilang inventory of stocks, pambili ng kinakailangang equipment at assets, o kaya ay para mapalawak pa ang kanilang mga negosyo.
Sa mabilis at simpleng proseso, ang mga MSMEs ay maaaring mag-loan ng hanggang P500,000 hanggang isang milyong piso.
Naging madali rin para kay Gener ang pagbabayad dahil sa abot-kayang monthly installment. Nakakatulong din sa kanya ang mga marketing at financial management tips na mababasa sa BDONB Official Facebook page.
Tuloy-tuloy na serbisyo
Ayon kay Cua, ang BDONB ay patuloy na naghahanap ng paraan sa gitna ng pandemya para ma-serbisyuhan ang mga kliyente. Kaya naman pinili ng BDONB na panatilihing bukas ang kanilang branches o kaya ay puntahan ang kanilang kliyente sa mga lugar kahit may mahigpit na quarantine status.
Hangad ng BDONB na tulungan ang mga MSMEs na makahanap ng paraan para makapag-adjust at mapagpatuloy ang kanilang mga negosyo.
“Ang mga MSMEs ay magandang halimbawa ng pagiging matatag ngayong pandemiya: matiyaga sa pagpapatakbo ng negosyo, para masuportahan ang pamilya, pati na rin ang komunidad,” ani ni Cua.
Kung nais malaman ang iba pang produkto at serbisyo ng BDONB, bisitahin lang ang website: www.bdonetworkbank.com.ph o ang official Facebook page https://www.facebook.com/BDONetworkBankPH.