Buwan ng Pamana ipinagdiwang sa Zambales
Ipinagdiwang ng DepEd Zambales ang Buwan ng Pamana 2022 na may temang Pamanang Lokal: Binhi ng Kukturang Pilipino.
Ang nasabing gawain ay dinaluhan ng lahat ng kawani ng School Division Office, mga punong guro at mga guro na ginanap sa Botolan National High School.
Ipinamalas ng iba’t ibang grupo ng mga mag-aaral at guro ang yaman ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagsayaw at pag-awit at maging sa pagsusuot ng natatanging kasuotang Pilipino.
Sa kabilang banda, makikita din sa nasabing lugar ang iba’t ibang booth na inihanda ng bawat distrito kung saan masasalamin ang yaman ng kulturang Pilipino sa kanilang sariling mga munisipalidad. (DepEd Zambales)