Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Delta namigay ng tulong pinansyal sa solo parents

Delta namigay ng tulong pinansyal sa solo parents

Pinangunahan ni Governor Dennis “Delta” Pineda ang pamimigay ng tulong-pinansyal sa 355 solo parents sa Bren Z. Guiao Convention Center (BZGCC) ngayong araw ng Miyerkules, February 16, 2022.

Ito ay taunang programa ng pamahalaang panlalawigan para sa mga solo parent na may maliliit na negosyo.

Sa ilalim ng programang ito, bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P10,000 na maaari nilang gamitin bilang dagdag-kapital sa kanilang mga negosyo.

“Dahil nakita naming kayo ay nagsusumikap para maitaguyod ang inyong mga pamilya, hindi na kami nagdalawang isip na tumulong para mas lalo pa ninyong mapalago ang inyong mga negosyo,” ani Governor Delta.

Nabanggit ni Governor Delta sa kanyang talumpati na kung siya ay sakaling palarin na muling makapaglingkod, itutuloy parin niya ang naturang programa at magbibigay ulit ng karagdagang kapital para sa patuloy na pag-asenso kanilang mga negosyo.

Dagdag pa ng gobernador, isa ang mga “solo parent” ang kanilang prayoridad, sa mga programa ng kapitolyo.

Nabanggit din ni Delta na pwede nilang ilapit sa kapitolyo ang mga anak nila na magko-kolehiyo.Kailangan lang makipag-ugnayan sa Provincial Social Welfare and Development Office para maasikaso ang kanilang application.

Kabilang sa mga dumalo at tumulong sa distribusyon ng mga tseke sina 1st District Board Members Cherry Manalo at Benjamin Jocson, 2nd District Board Members Fritzie David-Dizon at Anthony Joseph “Tonton” Torres, 4th District Board Members Nelson Calara at Pol Balingit, at ang dating Cong. Anna York Bondoc ng Pampanga 4th District.

-Mga larawang kuha ni Jun Jaso / Pampanga PIO

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *