Kahapon, Pebrero 28, ay nakatanggap ng parangal sa limang kategorya ang mga katuwang na mga lokal na pamahalaan ng DSWD Region 3.
Nakuha ng City of San Fernando, Pampanga ang Gawad sa Makabagong Teknolohiyang Panlipunan; Best New Social Technology: Anti-Mendicancy Program.
Samantala, sa ilalim ng Gawad Paglilingkod sa Sambayanan (GAPAS) Awards, nagkamit ang Gabaldon, Nueva Ecija bilang Model LGU implementing 4Ps, Model LGU Implementing Protective Programs and Services naman para sa Baliuag Bulacan.
Habang naiuwi naman ng Nampicuan Nueva Ecija and Good Convergence Initiative para sa kanilang proyektong LIFT, at pinarangalan and National Federation of Day Care Workers of the Philippines Incorporated Pampanga Chapter ang parangal bilang Best People’s Organization.
Sa kabila ng pandemya, patuloy na namamayagpag ang gitnang luzon sa larangan ng serbisyo publiko.