Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Kauna-unahang OFW Hospital sa bansa, pormal ng pinasinayaan sa Pampanga

Kauna-unahang OFW Hospital sa bansa, pormal ng pinasinayaan sa Pampanga

Pormal na pinasinayaan na ang kauna-unahang OFW Hospital sa bansa na makikita sa PEO Compound, Barangay Sindalan sa Siyudad ng San Fernando kahapon, Hunyo 28.

Dumalo sa okasyon ang mga sponsors at mga ahensya na tumulong sa pagpapatayo ng ospital, tulad nina Labor Secretary Silvestre Bello III, Pampanga Vice-Governor Lilia Pineda, Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega, Donato Almeda ng Bloomberry Cultural Foundation Inc. (BCFI), OWWA Administrator Hans Cacdac, at incoming Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople.

Ayon sa mga opisyal, isa ang nasabing proyekto sa mga magsisilbing legasiya na iiwan ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Simula Hulyo, bubuksan na ang 30 sa 100 mga kama para tumugon sa pangangailangang-medikal ng mga OFW at ng kanilang mga pamilya. (PIO Pampanga)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *