Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Lapaz-San Pedro 2 access road sa Magalang pinasinayaan na

Lapaz-San Pedro 2 access road sa Magalang pinasinayaan na

Pinangunahan ni Mayor Romulo “Romy” Pecson kasama sina President Magalang Business Council Sam O. Chan, Fiona’s Farm owner Bong Alvaro, mga barangay captains at ang Parish priest ng Lord’s Epiphany Parish na si Reverend Father John Anthony Tordera sa pagpapasinaya at pagbasbas ng Lapaz-San Pedro 2 access road, Miyerkules, Marso 30, 2022.

Isa sa mga prayoridad na proyekto ni Mayor Pecson ang alternatibong daan upang makatulong sa mga pampubliko at pribadong transportasyon.

Bahagi din ito ng patuloy na pakikipag-ugnayan at pagsisikap ng lokal na pamahalaan para sa mga proyektong pang- imprastraktura upang makatulong sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga taga Magalang.

Kasama din sa dumalo ay sina San Pedro 2 Barangay Captain Jeserel Baluyut, Bucanan Barangay Captain Crisanto Bondoc, Turu Barangay Captain Juancho Manabat, San Nicolas 2 Barangay Captain Charlie Pineda, San Ildefonso Barangay Captain Mamerto Lacson, at San Miguel Barangay Captain Joel Dela Cruz. (Municipality of Magalang FB Page)

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *