Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Libreng COVID-19 Antigen test mula sa Capitol at PhilHealth

Libreng COVID-19 Antigen test mula sa Capitol at PhilHealth

Nagbibigay ng libreng COVID-19 antigen test ang Kapitolyo ng Pampanga para sa mga may sintomas ng COVID-19 na walang panggastos.

Ang libreng antigen test ay proyekto ni Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice-Governor Lilia “Nanay” Pineda at ang PhilHealth. Ang pasilidad ay nasa direktang pamamahala ni Dr. Dax Tidula.

Pinapayuhan ng governador ang mga may lagnat, ubo, sipon, nahihirapan sa paghinga at walang panlasa o pangamoy na maaaring silang magpa-test ng libre sa Pampanga COVID-19 Isolation Facility sa Barangay San Roque, Mexico, Pampanga.

Ang resulta ay malalaman pagkatapos lamang ng ilang minuto. Kung magpo-positibo sa virus, pwedeng mag-isolate sa Mexico isolation facility at may mga doctors at nurses na mag-aasikaso sa kanila. Ang pasyente ay tatanggap din ng libreng gamot.

Subalit idiniin ng gobernador na ang libreng antigen test ay hindi pwede para sa “employment purposes”. “Priority ko po at ni Vice-Governor Nanay na tulungan ang mga apektado ng virus, lalong-lalo na ang mga higit na nangangailangan,” ani Pineda.

Pinapayuhang magdala ng government-issued ID o PhilHealth card para sa pagkaka-kilanlan ang mga nais magpa-test.

Muli, nagpapa-alalala ang gobernador na hindi pa rin tapos ang laban sa COVID-19 at pina-aalalahanan pa din ang lahat na mag-ingat at sumunod sa mga alituntuning pangkalusugan ng pamahalaan. (Governor Delta FB Page)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *