Isinasagawa ngayon ang programang “Karapatan at Katarungan ay Protektado: Libreng Serbisyong Legal para sa Bayan ng Mexico” sa Mexico Mini Convention Center sa Parian, na naglalayong ilapit sa mamamayan ang mahahalagang serbisyong legal at civil registration sa suporta ni Mayor Ruding Santos Gonzales.
Pinangungunahan ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Pampanga State University School of Law, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Mexico, Integrated Bar of the Philippines, Public Attorney’s Office, PSA/PhilSys, sa koordinasyon ng Municipal Social Welfare and Development Office at Municipal Civil Registrar.







Sa kasalukuyan, patuloy na nagbibigay ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng libreng legal advice, notarial services, PSA at PhilSys services, gayundin ng tulong sa civil registration.
Dumalo rin sa aktibidad sina Municipal Administrator Engr. Mark Nestor Pineda, Councilor Atty. Angela Pangan, Councilor Jaypee Gozun, Councilor Architect Ariel Bonus, Municipal Civil Registrar Rosanna Aguas, at Municipal Social Development Officer Sharmaine Pabustan-Sigua bilang suporta sa patuloy na paghahatid ng serbisyong publiko.
Patuloy ang paanyaya ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayan na samantalahin ang libreng serbisyong ito na naglalayong maprotektahan ang kanilang mga karapatan at mabigyan sila ng tamang gabay sa mga usaping legal at dokumentaryo.
Ang aktibidad ay magpapatuloy hanggang alas-12 ng tanghali ngayong araw.








