M4GG, nagpahayag ng pagkabahala sa absenteeism sa senado; nanawagan ng pananagutan

Nagpahayag ng pagkabahala ang Mayors for Good Governance (M4GG) kaugnay sa iniulat na matagal na pagkawala ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa mga sesyon ng Senado bago ito muling dumalo noong Mayo 14, 2026.

Sa kanilang pahayag, binanggit ng M4GG na umabot umano sa humigit-kumulang pitong buwan ang pagkaka-absent ng senador habang patuloy na tumatanggap ng buwanang suweldo na nasa PHP300,000, na tinatayang umaabot sa PHP2.1 milyon sa kabuuan ng kanyang hindi pagdalo.

Ipinunto rin ng grupo ang umiiral na prinsipyong “no work, no pay” para sa mga ordinaryong manggagawa, at kinuwestyon ang tila hindi pantay na pagpapatupad ng pananagutan para sa mga halal na opisyal.

Nanawagan ang M4GG sa mga mambabatas na panatilihin ang transparency, integridad, at pananagutang pampubliko, at iginiit na ang Senado ay hindi dapat maging kanlungan ng absenteeism o pag-iwas sa tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *