Nagtapos ang 20-araw na Tara, Basa! Program sa Aurora at Bulacan

Puno ng saya at pasasalamat na nagtapos ngayong araw ang 20-araw na Tutoring at Parenting Session ng Tara, Basa! Program sa lalawigan ng Aurora at ilang bahagi ng Bulacan sa pamamagitan ng isinagawang culminating activity sa bawat paaralan.

Naging tampok sa pagtatapos ng programa ang pagkilala sa mga bata at magulang, masayang salu-salo, at pagpapakita ng talento ng mga kalahok. Kinilala rin ang mga natatanging tagumpay ng mga learners sa pamamagitan ng paggawad ng mga sertipiko at medalya mula sa mga youth beneficiaries katuwang ang mga punong guro at school focal persons.

Nagbahagi rin ng pagkain ang bawat isa habang binalikan ang kanilang mga pinagdaanan at natutunan sa loob ng 20 araw na implementasyon ng programa.

Nagkaroon din ng mga karagdagang regalo mula sa mga paaralang naging tahanan ng programa. Nakatanggap rin ang mga learners ng masustansyang Hearty Pack mula sa Convoy of Hope Philippines, isa sa mga partner-donors ng Tara, Basa! Gitnang Luzon.

Bagama’t nagtapos na ang mga sesyon, inaasahang magpapatuloy sa bawat tahanan ang mga natutuhan ng mga magulang mula sa parenting sessions, habang dala naman ng mga bata ang mas pinaigting na pagmamahal sa pag-aaral at pagbabasa.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *