Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

NCIP paiigtingin ang pag-agapay sa mga Dumagat

NCIP paiigtingin ang pag-agapay sa mga Dumagat

Paiigtingin ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang pag-agapay sa mga katutubong Dumagat upang lalong ipagtanggol at mapangalagaan ang kanilang mga lupaing ninuno o ancestral domain.

Sa ginanap na Inter-Agency Ancestral Domain Visitation sa Hilltop, Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan, inanunsiyo ni NCIP Chairperson Allen Capuyan ang paglalagay ng isang Ancestral Domain Management Office na patatakbuhin mismo ng mga katutubo.

Dito dapat pormal na ipagpaalam ng sinuman ang papasok sa kanilang lupaing ninuno maging sila man ay turista, magtatanim ng puno, maglalagak ng pamumuhunan o anumang paggalaw sa itinuturing nilang sagradong lugar.

Bubuuin ito ayon sa kanilang tradisyong katutubo (PIA Bulacan)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *