Ang Mabalacat City Government (MCG) sa pangunguna nina Mayor Crisostomo Garbo, Vice Mayor Gerald Aquino at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ay patuloy sa pamimigay ng tulong pinansyal at medikal sa mga Mabalaqueñong higit na nangangailangan nito.
Sa datos ng City Social Assistance Office (CSAO), mula nang magbukas ang taon ay nakapamahagi na ang siyudad ng mahigit sa P4 milyon para sa ibat-ibang pangangailangan ng ating mga kabalen gaya sa pambayad sa ospital, hemodialysis sessions, laboratory expenses, burial assistance at marami pang iba.
Kinikilala bilang flagship program ng Garbo administration, ang pamamahagi ng tulong pinansyal at medikal ay patuloy na isinasagawa simula nang maluklok si Mayor Garbo bilang alkalde ng Lungsod ng Mabalacat.
Makipag-ugnayan lamang sa CSAO para sa proseso ng pangtanggap ng medical at financial assistance mula sa MCG. (Mabalacat City News)