Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

PCPN sa Bataan inilunsad

Inilunsad sa bayan ng Dinalupihan, ika-1 ng Marso ang Primary Care Provider Network (PCPN), na bahagi ng implementasyon ng Universal Health Care (UHC) law sa Bataan.

Ipinaalam ni Gobernador Abet Garcia na ang Dinalupihan ay isa sa mga pilot areas sa bansa at kauna-unahang munisipalidad sa Bataan na nakapaglunsad ng PCPN na naglalayong mas mapabuti at mapabilis pa ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng mas maginhawa at episyenteng pamamaraan.

Layon din ng programang ito, na tuluyan nang masugpo ang paglaganap ng sakit Tuberculosis (TB) sa bansa.

Dumalo sa nasabing gawain sina Dinalupihan Mayor Gila Garcia, mga opisyal ng USAID Philippines, DOH Central Luzon, PhilHealth Regional Office III, Provincial Health Office, Municipal Health Office, at mga kawani ng sektor na pangkalusugan.

Nabanggit ng Gobernador na patuloy ang pagsusulong ng iba’t-ibang mga programa at proyektong pangkalusugan sa gitna man ng pandemya.

“Hindi po tayo magsasawang makipag-uganayan sa mga kinauukulang ahensya upang makamit natin ang ating ninanais na mapahaba ang de kalidad na buhay ng bawat Bataeño,” anang Gobernador.

(FB Page of Gob. Abet Garcia)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *