PNP Regional Maritime Unit 3 nag-donate sa Morong Maritime Police Precinct
PNP Maritime Group – Regional Maritime Unit 3 ay nakipag-ugnayan sa butihing Mayor Cynthia G. Linao-Estanislao, MD kasama nina Chief-of-Police Larry Valencia at Sabang Brgy. Capt. Frederico Taba, at ipinagkaloob sa Morong Maritime Police Precinct noong December 7, 2021.
Ang mga kagamitan na ibinahagi ay ang mga sumusunod; 1 Police Rubber Boat,1 Outboard Motor 40 HP Engine,1 Boat Trailer with reflectors, 2 pcs Rubber Fenders, 2 Life Rings with Rope,1 SCUBA Diving Cylinder, 1 Water Resistant Handheld GPS, 1 Set Medical Kit, 1 Maintenance Battery,8 pcs Paddles with T-Grip, 8 pcs Life Vest, and 1 pc Search Light.
Ang nasabing Rubber Boat ay Military Grade Tactical Rubber Boat with 40 Horse Power Mercury Engine at kayang magsakay ng hanggang 10 tao (capacity).
Ang mga ito ay gagamitin upang higit na mapabilis ang serbisyo at mapaigting ang proteksyon at pag rescue ng ating mga kapulisan sa mga mamayan ng Morong sa panahon ng pangangailangan. (Municipality of Morong Bataan)