Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

PRRD ininspeksyon ang kauna-unahang OFW hospital sa bansa

PRRD ininspeksyon ang kauna-unahang OFW hospital sa bansa

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inspeksyon ng kauna-unahang OFW hospital sa bansa na makikita sa City of San Fernando, Pampanga ngayong araw (Mayo 1).

Kasama ni Pangulong Duterte sa inspeksyon sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Pampanga Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, Senator Christopher Lawrence Bong Go at iba pang Kalihim ng kanyang gabinete.

Bubuksan na sa publiko ang unang palapag ng OFW hospital para matugunan ang pangangailangang medikal ng mga OFW at ang kanilang mga pamilya.Sa kasalukuyan, Pitumpong porsiyento (70%) tapos na ang pitong palapag na ospital.

Sa oras na matapos ito, kaya nitong maglulan ng hanggang isang-daang (100) pasyente.Ayon sa DOLE, ang ospital ay inilaan para magbigay ng pagkilala sa kabayanihan ng mga OFW dahil sa malaking tulong nila sa ekonomiya ng bansa.

📸: Jason Balingit / Pampanga PIO

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *