Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Robin Padilla: Pelikula o Politika?

Si Robin Padilla, 51, ay humingi ng tulong sa netizens sa kanyang Facebook account noong Huwebes, Setyembre 16, kung siya ba ay papasok sa politika o mananatili sa pelikula sa 2022.

“Naguguluhan ako ngayon eh. Sobra akong naguguluhan ngayon. Pinakamabigat na desisyon na yata itong nangyayari sa buhay ko,” ayon kay Robin sa kanyang Facebook live. Ayon sa kanya, humihingi siya ng tulong sa Panginoon para makapagdesisyon dahil filing na ng candidacy sa Oktubre.

Nasabi niya na balak niyang humabol bilang gobernador sa Camarines. Ngunit na-shock siya sa gastos!

Inamin niya na hindi niya kaya at wala siyang mapagkukunan ng 150 million na gagastusin.

“Kung may makukuha ka man nun, makautang ka man nun, ibig sabihin babayaran mo ‘yun. Papaano mo babayaran yun? Eh di pabor na ‘yun. Katakot-takot na pabor! Ibig sabihin, ‘yung pagbabago mong gustong gawin, wala rin mangyayari,” patawa niyang nabanggit.

Ayon kay Robin, may mga tao ring hinihimok siya na tumakbo sa pagka-senador. At kung siya ay kakandidato, malamang na isusulong niya ang pederalismo na kanyang minimithi na mangyari.

“Diyan po sa Jose Panganiban, sa Bicol, ‘pag nagkaroon po tayo ng high-tech na port dyan, airport at seaport, eh made-develop po ‘yan. Kapag na-develop ‘yan ay magkakaroon ng magandang kinabukasan unang-una ang mga taga-Camarines Norte,” ani Robin.

Nabanggit din ng actor na kung hahabol naman siya bilang mayor sa Jose Panganiban, Camarines Norte, na bayan ng kanyang yumaong ama, nais ni Robin na ipaayos ang mga imprastruktura. Nais niyang magkaroon din ng airport, seaport, fishing port at iangat ang kabuhayan ng mga tao doon.

Maliban sa politika, nabanggit din niya na meron din siyang offer na action films na Bad Boy 3 at Mistah 2 na parehong bibigating pelikula.

“Kaya kayo na lang po ang tatanungin ko, mga mahal kong kababayan, kung ano sa palagay ninyo ang dapat kong gawin. Paki-comment na lang po at babasahin ko. Kayo na ho ang magdesisyon kung sa politika tayo o pelikula,” tanong ni Robin sa kanyang mga viewers.

Eto naman ang sagot ng kanyang mga followers:

“Huwag na lang , Sir Robin. Focus on your family and showbiz career; and also to your health! You can sleep well, have privacy left, even as an actor. And last, peace of mind,” sambit ng isa niyang follower.

“Magulo ang politika. Ang magkakampi noon ngayon magkakaaway na if ako tatanungin, ‘wag na lang pumasok sa politika. Pwede ka naman tumulong sa sarili mong paraan, gawa na lang movie. Hindi pa magugulo buhay mo,” anang isang fan.

“Takbo na idol, may dugong politika naman talaga kayo, huwag mo pansinin ang mga basher walang ambag yan sa ‘Pinas mga yan at lalong wala silang ambag sa pagkatao mo,” ang sabi naman ng isang follower.

Si Robinhood Fernando Carino Padilla, o Binoe, ay isang aktor, screenwriter, producer at director. Siya rin ay isang masugid na supporter ng Pangulong Duterte.

Nakilala siya sa kanyang pelikulang Bad Boy at Anak ni Baby Ama noong 1990; Mistah noong 1994; Manila Boy noong 1993; Maging Sino Ka Man katambal si Megastar Sharon Cuneta noong 1991; at Kailangan Ko’y Ikaw noong 2000 katambal si Regine Velasquez.

Tinagurian siyang “The Action Prince” at “The Prince of Philippine Movies” noong dekada 90. Siya ay minsan ng naging kandidato bilang gobernador sa Nueva Ecija noong 1995 pero natalo siya ni Vice-Governor Oscar Tinio.

Naglagi rin si Robin sa Angeles City noong ‘90s kung saan siya nahulihan ng mga baril, nakasuhan at nahatulan ng illegal possession of firearms noong 1994.

Matapos ang tatlong taon na pagkabilanggo, binigyan siya ng conditional pardon noong 1997 ni Pangulong Fidel V. Ramos at tuluyang nakalaya noong Abril 1998. Bingyan naman ng executive clemency ni Presidente Rodrigo Duterte si Robin noong Nobyembre 2016.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *