Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

VP Leni, umarangkada sa grand rally sa Bulacan

Muling nagsagawa ng grand rally ni Vice-President Leni Robredo sa lalawigang Bulacan nitong nakaraang Miyerkoles, April 27.

Sa Malolos, Bulacan, mahigit isang daang libo ang dumalo ayon sa mga organizers.

Sa idinaos na pangalawang grand rally ni Vice-President Leni Robredo sa lalawigang ito nitong Miyerkules, nakiisa ang 140,000 supporters, ayon sa crowd estimate ng local organizer.

Pinamagatang “Republika 2.0: Tindig ng Bulakenyo” ang rally. Sa halip na dagat ng kulay rosas, iwinagayway ng mga tao ang maliliit na watawat ng Pilipinas sa Malolos Sports Complex grounds.

Present muli si Bulacan Governor Daniel Fernando ng National Unity Party, na nag-endorso sa kandidatura ni Robredo noong Marso.

VP Leni at Gov. Daniel Fernando

Ayon kay Gov. Fernando ang lalawigan ng Bulacan bilang tahanan ng unang malayang republika ng Asya ay handa nang salubungin ang liwanag ng bagong republika.
Hindi nakasama ni Robredo sa Bulacan ang running mate na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, na sa halip ay bumisita sa Caloocan, Navotas, at Malabon noong Miyerkules.
Ayon kay VP Leni Robredo, sa natitirang twelve days, naghihiwalay-hiwalay na sila para mas maraming mapuntahan.

Nakiisa sa Bulacan crowd ang mga celebrity na sina Nadine Lustre, Yeng Constantino, at Darren Espanto, habang ito na ang pangalawang appearance ni Vice Ganda sa Robredo rally.

Nagtapos ang gabi sa nakamamanghang synchronized drone exhibition, na 1st time sa mga rally ni Robredo, pagkatapos ng magarbong fireworks display mula sa fireworks capital ng Pilipinas. (VP Leni Media Bureau)

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *