Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

ALAGANG NANAY: HUWAG IPAGWALANG-BAHALA ANG KAGAT NG ASO

Muling pinaalalahanan ni Pampanga Governor Lilia ‘Nanay’ Pineda ang publiko na huwag balewalain ang kagat ng aso, dahil maaari itong magdulot ng rabies na nakamamatay.

Sa isinagawang Alagang Nanay Preventive Health Care Program medical mission sa Lubao Gym nitong weekend, sinabi ni Gov. Nanay sa 1,027 pasyente na kahit maliit na sugat mula sa kagat ng aso ay maaaring magdala ng panganib.

Batay sa datos ng World Health Organization (WHO), tinatayang 59,000 katao ang namamatay kada taon sa buong mundo dahil sa rabies, karamihan mula sa kagat ng aso. Sa Pilipinas naman, mahigit 200,000 kaso ng kagat ng aso ang naitatala taun-taon. Ang rabies ay 100% preventable kung maagapan ngunit 100% fatal kapag nagsimula na ang sintomas.

Bakit Delikado ang Dog Bite?
Kapag nakagat ng asong may rabies, pumapasok ang virus sa sugat at kumakalat sa nervous system hanggang makarating sa utak. Kapag nagsimula na ang sintomas gaya ng lagnat, pananakit ng ulo, pamamanhid, o matinding takot sa tubig, halos imposible na itong magamot.

Paano Aagapan?
1️⃣ Hugasan agad ang sugat gamit ang sabon at dumadaloy na tubig sa loob ng 15 minuto
2️⃣ Magpabakuna agad laban sa rabies
3️⃣ Huwag hintaying lumala ang sugat — kahit maliit ay delikado.

Kasama ni Gov. Nanay sa aktibidad sina Second District Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at Board Member Fritzie David-Dizon, na personal na kumustahin at maghatid ng tulong sa mga kabalen.

Bawat pasyente ay nakatanggap ng libreng check-up, agahan, maintenance na gamot, at pamasahe pauwi mula sa Kapitolyo. Nag-uwi rin sila ng tig-dalawang grocery food packs mula sa PAGCOR.

📸Pampanga PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *