Nanawagan si Pampanga Governor Lilia “Nanay” Pineda sa mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan na sulitin ang oras at paigtingin ang pagtutulungan upang mapabilis ang pagpapatupad ng mga proyekto at serbisyo ng gobyerno.




“Gamitan taya ing oras tamu — itang 8 hours, o lampas pa — para i-fast track ing obra tamu, bang misaup-saup tamu,” pahayag ni Gov. Pineda sa kauna-unahang flag ceremony ng taon na ginanap sa Kapitolyo, kasama ang mga department head at kawani.
Binigyang-diin ng gobernador na bagama’t naging matagumpay ang mga programang naisakatuparan noong nakaraang taon, hindi rito nagtatapos ang serbisyo publiko. Aniya, mas pai-igtingin pa ang sipag at sama-samang pagkilos upang mas marami pang Kapampangan ang maabot at matulungan ng pamahalaang panlalawigan.
Nagpaabot din si Gov. Pineda ng taos-pusong pasasalamat sa dedikasyon ng bawat kawani, na aniya’y naging mahalagang susi upang maihatid ang wasto at episyenteng serbisyo ng Kapitolyo hanggang sa pinakamalalayong bahagi ng lalawigan.
📸Pampanga PIO | Daniel Ombina












