𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 ₱𝟒-𝐌𝐈𝐋𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐓𝐎𝐋𝐘𝐎

Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ng iba’t ibang tulong pinansyal tuwing Lunes, sa pangunguna ni Governor Lilia “Nanay” Pineda.

Ngayong araw, 93 kabalen ang nakatanggap ng financial assistance, habang 54 kabalen naman ang binigyan ng burial assistance, na may kabuuang halaga na mahigit ₱4 milyon.

Isa sa mga benepisyaryo, si Norma Mallari, na kasalukuyang lumalaban sa sakit na leukemia, ay taos-pusong nagpasalamat sa tulong na natanggap. “Malaking tulong po ang ibinibigay ni Gov. Nanay kaya hindi ko po siya ipagpapalit,” ani Norma.

Lubos din ang pasasalamat ng iba pang benepisyaryo sa Kapitolyo na patuloy na nakaantabay at handang tumulong sa oras ng pangangailangan.

📸 Pampanga PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *