𝐏𝐚𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐀𝐞𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐨𝐫𝐚𝐜, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐮𝐬𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥𝐚𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧

𝐏𝐀𝐁𝐀𝐇𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐄𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐎𝐑𝐀𝐂

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang pagkakaloob ng pabahay para sa mga katutubong Aeta sa bayan ng Porac, kung saan itinuturing ang lupa hindi lamang bilang ari-arian kundi bilang tahanan, kabuhayan, at bahagi ng kanilang pagkakakilanlan.

Kaugnay nito, patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Pampanga Governor Lilia “Nanay” Pineda sa Philippine Veterans Bank upang maayos ang mga natitirang lupa sa Aeta village na planong isama sa housing project ng Kapitolyo.

Sa isinagawang courtesy call, ibinahagi ni Jocelyn Root, Head ng Acquired Assets ng Philippine Veterans Bank, na nasa yugto na ng negosasyon ang pagitan ng Kapitolyo at ng bangko para maproseso at maipagkaloob ang mga lupang matagal nang hinihintay na matituluhan para sa mga katutubong Aeta.

Layunin ng nasabing hakbang na mabigyan ng mas maayos at ligtas na tirahan ang mga Aeta families, kasabay ng pagkilala sa kanilang karapatan sa lupaing ninuno at pagpapanatili ng kanilang komunidad.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *