Ipapatupad ng Social Security System (SSS) ang flexible work arrangement na may apat na araw na on-site workweek para sa mga empleyado nito simula Marso 9, 2026.
Ayon sa SSS, ang hakbang ay bahagi ng suporta ng ahensya sa energy conservation efforts ng pambansang pamahalaan.
Sa ilalim ng bagong work arrangement, ang iskedyul ng trabaho sa mga tanggapan ng SSS ay magiging ganito:
Work Schedule:
- Main Office: On-site Tue–Fri | WFH Mon
- Makati Office: On-site Mon–Thu | WFH Fri
- SSS Branches: Mananatiling available ang serbisyo sa mga miyembro mula Lunes hanggang Biyernes sa pamamagitan ng shifting work schedules
Hinimok din ng SSS ang mga miyembro na gamitin ang kanilang mga digital platform para sa mas ligtas at mas maginhawang transaksyon anumang oras.
Maaaring ma-access ng mga miyembro ang mga serbisyo ng SSS sa pamamagitan ng opisyal na website na www.sss.gov.ph, pati na rin sa My.SSS Portal at MySSS Mobile App.



