Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

DSWD, nagkaloob ng social pension sa 41 senior citizen sa San Marcelino

Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development o DSWD ng social pension sa karagdagang 41 indigent senior citizens sa bayan ng San Marcelino sa Zambales.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Office Head Sahra Soria, bawat isa ay tumanggap ng 6,000 piso bilang kabuuang pensyon ngayong taon.

Ang Social Pension for Indigent Senior Citizens ay sangayon sa Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Nakasaad sa naturang batas na ang mga indigent o mahihirap na senior citizen ay makakatanggap ng buwanang pensyon na nagkakahalaga 500 piso mula sa DSWD katuwang ang Office of Senior Citizens Affairs ng mga lokal na pamahalaan.

Ang naturang tulong pinansyal ay maaaring gamitin ng mga benepisyaryo pambili ng medikal at pangunahing pangangailangan.

Samantala, patuloy naman ang paalala ni Mayor Elvis Soria sa mga benepisyaryo na alagaan ang kanilang kalusugan at patuloy na tumalima sa health protocols. (PIA 3)

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Posts