Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Pag-IBIG Fund tatanggap ng calamity loan application sa Bulacan hanggang Oktubre 29

Mayroong hanggang Oktubre 29, 2023 ang mga taga Bulacan para makapasumite ng aplikasyon sa calamity loan sa Pag-IBIG Fund.

Ang palugit ay base sa 90 araw mula nang mapasailalim sa State of Calamity ang lalawigan noong Hulyo 31, 2023 sa bisa ng Kautusang Panlalawigan Blg. 579-T’2023.

Ayon kay Maria Rosario Merle ng Pag-IBIG Malolos branch, lahat ng taga Bulacan na miyembro ng Pag-IBIG na may hulog na kontribusyon sa nakalipas na 24 buwan o dalawang taon ay maaring kumuha ng calamity loan. 

𝐼𝑛𝑖𝑙𝑎ℎ𝑎𝑑 𝑛𝑖 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎 𝑅𝑜𝑠𝑎𝑟𝑖𝑜 𝑀𝑒𝑟𝑙𝑒 𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑔-𝐼𝐵𝐼𝐺 𝑀𝑎𝑙𝑜𝑙𝑜𝑠 𝑏𝑟𝑎𝑛𝑐ℎ 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑦𝑟𝑜𝑜𝑛𝑔 ℎ𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑛𝑔 𝑂𝑘𝑡𝑢𝑏𝑟𝑒 29, 2023 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑡𝑎𝑔𝑎 𝐵𝑢𝑙𝑎𝑐𝑎𝑛 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑝𝑎𝑠𝑢𝑚𝑖𝑡𝑒 𝑛𝑔 𝑎𝑝𝑙𝑖𝑘𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑐𝑎𝑙𝑎𝑚𝑖𝑡𝑦 𝑙𝑜𝑎𝑛 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎ℎ𝑒𝑛𝑠𝑦𝑎. (𝑃𝐼𝐴 3)

Hindi kailangang nasiraan o nawalan ng bahay para maging kwalipikado rito.

Basta’t sagutan lamang ang application form para sa calamity loan na pwedeng mai-download mula sa official website nito na www.pagibigfund.gov.ph.

Ilakip ang pay slip o payroll sa nakalipas na isang buwan at ang photocopy ng kabilaan ng dalawang valid ID.

Maaaring mahiram ang nasa 80 porsyento ng kabuuang naihuhulog ng isang miyembro. 

Kapag naaprubahan ang aplikasyon, makukuha ang hiniram na pera sa loob ng tatlo hanggang limang araw sa pamamagitan ng Loyalty Card Plus o sa bank account ng miyembro sa Land Bank of the Philippines.

Nasa 5.95% lamang ang interes na pwedeng bayaran sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon. (PIA 3)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *