Pinangunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 3 (BFAR-3) ang matagumpay na pag-aani ng bangus sa ilalim ng kanilang Techno Demo Project on Cage Culture of Milkfish para sa San Gabriel Farmers, Fisherfolk and Vegetable Association sa Brgy. San Gabriel, Macabebe, Pampanga.
Umabot sa tinatayang 700 kilo ang ani, na may average na 305 gramo bawat isda. Layunin ng proyekto na ipakita ang epektibong teknolohiya at tamang pamamahala sa cage culture ng bangus upang mapataas ang produksyon at kita ng mga lokal na mangingisda.






Sa tulong ng patuloy na teknikal na gabay at suporta mula sa BFAR-3, inaasahang mas mapapalakas ang kakayahan ng samahan sa pagpapaunlad ng kanilang aquaculture operations at makatutulong sa pagpapatatag ng suplay ng isda sa komunidad.












