Muling naghatid ng malasakit ang Pamahalaang Panlalawigan at Panlungsod ng Tarlac sa pamamagitan ng Medical at Dental Mission na ginanap sa Barangay Calingcuan. Layunin ng aktibidad na maiparating ang libreng konsultasyon, gamot, at iba pang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan upang mapanatili ang kanilang kalusugan at sigla.
Pinangunahan nina Mayor Susan Yap, Gov. Christian Yap, at Vice Gov. Lita Aquino ang programa, katuwang sina BM Harmes Sembrano at Sir Baby Lugay na patuloy na nagbibigay-suporta sa mga proyektong pangkalusugan ng pamahalaan.









Sa tulong ng Tarlac Provincial Hospital, doctors, nurses, volunteers, at iba pang partner agencies, naipapakita ang tunay na diwa ng Serbisyong may Malasakit — para sa isang mas malusog, mas masigla, at mas maunlad na Tarlac.










