Nagdonate ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng dalawang daang (200) kahon ng groceries, apat na pung (40) kahon ng personal protective equipment, at dalawampung (20) sako ng bigas sa pamahalaang panlalawigan ng Pampanga.
Personal na tinanggap ang mga ito ni Atty. Charlie Chua, provincial administrator, kasama si Francis Maslog, head ng General Services Office, sa harapan ng kapitolyo ngayong Lunes, ika-14 ng Marso.
Sa ngalan ni Governor Dennis “Delta” Pineda, pinasalamatan ni Atty. Chua ang NGCP para sa malasakit nito sa probinsiya, at sinabing gagamitin ang mga donasyon para tugunan ang mga pangangailangan ng mga Cabalen na kapus-palad. (Mga larawang kuha ni Jun Jaso / Pampanga PIO)