KADIWA ni Ani at Kita sa Angeles City Hall

Muling inilapit sa mga Angeleño ang sariwa at lokal na produkto sa pamamagitan ng KADIWA ni Ani at Kita, na ginaganap sa Angeles City Hall ngayong Hulyo 29 at 30.

Tampok sa aktibidad ang mga sariwang prutas at gulay mula sa lokal na mga magsasaka, gayundin ang dayap, empanada, kamote at lettuce chips, pati iba’t ibang meryenda tulad ng palabok at kakanin.

Isinagawa ang KADIWA sa pagtutulungan ng Angeles City Economic Development and Investment Promotions Office (ACEDIPO) at City Agriculture Office upang direktang mailapit sa mga mamimili ang produkto ng lokal na mga magsasaka at maliliit na producer.

Layunin ng programa na suportahan ang kabuhayan ng mga lokal na producer, habang pinapalakas ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagtangkilik sa sariling atin.

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *