Ilulunsad ang PhilHealth YAKAP Clinic para sa mga manggagawa sa Angeles City

Inaanyayahan ng PhilHealth ang publiko, lalo na ang mga manggagawa, na makibahagi sa paglulunsad ng kauna-unahang mall-based YAKAP Clinic sa Central Luzon na gaganapin sa Nepo Mall Angeles sa Mayo 1, 2026.

Ang programang YAKAP ay naglalayong magbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan tulad ng health screening, check-up, laboratory services, at access sa essential medicines para sa mga manggagawa at mall-goers.

Isasagawa ang aktibidad katuwang ang iba’t ibang partner institutions kabilang ang Soliman Paroli Eye Center, PS Nalo Family Health Care Clinic, JDN, Newpoint Mall, at Nepo Mall Angeles.

Maaaring magparehistro ang mga interesadong benepisyaryo sa pamamagitan ng eGov app, sa tanggapan ng PhilHealth Angeles, o direkta sa venue sa araw ng paglulunsad.

Hinihikayat ang lahat na samantalahin ang serbisyong hatid ng PhilHealth YAKAP at makiisa sa programang naglalayong mapalapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino.

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *