Nagpaabot ng panalangin at pagbati si Angeles City Mayor Carmelo “Jon” B. Lazatin II para sa bawat pamilyang Angeleño ngayong Family Day.
Ipinanalangin ni Lazatin ang patuloy na pagpapala ng Diyos sa mga pamilya, kabilang ang kalusugan, pagkakaisa, pagmamahalan at lakas sa pagharap sa bawat pagsubok.
Hiniling din ng alkalde na maging tahanan ang bawat pamilya na puno ng panalangin, pag-unawa, pagpapatawad at pagmamahal, at manatiling matatag sa gitna ng anumang hamon.
Binigyang-diin ni Lazatin na ang oras na ginugugol kasama ang pamilya ay isang biyayang dapat pahalagahan.
Ipinanalangin niya ang bawat tahanan, magulang, anak at pamilyang Angeleño, na patuloy na gabayan, ingatan at pagpalain ng Panginoon.




