Muling naghatid ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamamagitan ng programang “Tulong Kapitolyo” na layong magbigay ng kalinga at serbisyo sa mga Zambaleñong higit na nangangailangan, partikular sa medikal at burial assistance.
Ginawa ang aktibidad ngayong Mayo 26 sa Capitol Grounds, kung saan personal na nakadaupang-palad ng mga kawani ng kapitolyo ang mga benepisyaryo na humiling ng tulong para sa kanilang gastusing medikal at pagdadalamhati sa pamilya.
Sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng ilang mamamayan, patuloy na umaagapay ang pamahalaang panlalawigan upang maghatid ng agarang tulong at ginhawa, lalo na sa usaping pangkalusugan at sa panahon ng pagkawala ng mahal sa buhay.
Sa pamumuno ni Governor Hermogenes Ebdane Jr., nananatiling prayoridad ng Provincial Government of Zambales ang paghahatid ng serbisyong may malasakit at mga programang direktang nararamdaman ng mga mamamayan.
Ayon sa kapitolyo, layunin ng programa na matiyak na walang Zambaleñong maiiwan sa serbisyo ng pamahalaan, bilang bahagi ng adbokasiyang inklusibo at makatao para sa buong lalawigan.







